Your County Government Community
Services
Healthy
Kids & Families
Business
Resources
Environment Public Safety Jobs

Home
Mga Nakalipas na Eleksiyon
Tungkol sa Amin
Mga Impormasyon para sa mga Botante
Rehistro para Bumoto
Mga Ulat sa Kompyuter
Mga Mangagawa sa Lugar ng Botohan
Mga Lugar ng Botohan
Mga Mapa ng Distrito
Mga Distritong Hinahalal
Direktoryo ng mga Pampublikong Opisyal
Tawagan Kami
Pansamantalang Trabaho

Mga Importanteng Petsa

Mga Madalas na Katanugan

Madaling Iprinta
Font Size Extra Large Font Size Large Font Size Default

Nobyembre 9, 2009 - Unang araw na makukuha ang mga balotang absentee. Unang araw ng maagang pagboto na magagawa sa RoV.
(Ang RoV ay bukas para sa pagboto mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon Lunes hanggang Biyernes)

Nobyembre 16, 2009 - Umpisa ng pagproseso ng balotang pangkoreo
Para Mag-obserba, Tawagan (858) 694-3403

Nobyembre 23, 2009 - Huling araw upang magparehistro para makaboto.

November 30, 2009 - Ang pagbubukas at pagpreprepara ng mga balotang pangkoreo para sa tabulasyon ng kompyuter

Disyembre 1, 2009 - Umpisa ng pagproseso ng pag-scan ng balotang pangkoreo
Para Mag-obserba, Tawagan (858) 694-3403

Disyembre 1, 2009 - Huling araw upang humiling ng balotang pangkoreo
(dapat matanggap ng RoV ang kahilingan bago lumampas ang ika-5 ng hapon).

Disyembre 8, 2009 - Araw ng Eleksiyon
(Bukas ang opisina ng RoV para sa pagboto mula ika-7 ng umaga hanggang ika-8 ng gabi)



1. BAKIT BA MAGKAKAROON NG ISANG ESPESYAL NA RECALL NA ELEKSIYON SA DISYEMBRE 8, 2009?

Ang isang petisyon para sa recall ng isang miyembro ng Konseho ng Lunsod ng Oceanside ay ipinamahagi at sapat na mga pirma ang natamo at napatunayan upang suportahan ang pagpapaganap ng isang recall na eleksiyon.

2. SINO ANG MAKAKABOTO SA ELEKSIYONG ITO?

Lahat ng mga rehistradong botante sa Lunsod ng Oceanside. Ang huling araw ng pagpaparehistro para makaboto sa eleksyong ito ay Lunes, Nobyembre 23, 2009. Ang mga porma ng pagpaparehistro ng botante ay maaring makuha sa mga opisina ng koreo, Departamento ng mga Sasakyang Demotor, mga aklatan sa loob ng county, ang opisina ng Clerk ng Lunsod ng Oceanside, at ang Tagapagrehistro ng mga Botante sa 5201 Ruffin Road, Suite I, San Diego, (lugar ng Kearny Mesa).

3. KAILAN KO MATATANGGAP ANG AKING PAMPLET NG IHEMPLONG BALOTA?

Ang isang ihemplong balota na may katanungan sa recall at mga kandidato para sa posibleng bakante ng Konseho ng Lunsod ay ipapadala sa koreo sa lahat ng mga nakarehistrong botante sa Lunsod ng Oceanside simula sa Oktubre 29, 2009. Magkakaroon ng humigit-kumulang 60 mga presintong matatagpuan sa loob ng buong Lunsod. Ang iyong lugar ng botohan ay makikita sa likod na takip ng iyong pamplet ng ihemplong balota. Maari mo ring matiyak ang iyong lugar ng botohan sa pamamagitan ng pagtawag sa Tagapagrehistro ng mga Botante sa 858-565-5800 o sa pamamagitan ng pagbisita sa aming web-site sa: www.sdvote.com.

4. PAANO KO MAHIHILING AT/O ISASAULI ANG AKING BALOTA?

Kung ikaw ay nakipag-ayos na bumoto sa pamamagitan ng koreo, ang iyong balota ay kailangang maibalik sa koreo sa Tagapagrehistro ng mga Botante sa sobreng ibinigay sa pakete o simula sa Nobyembre 9, 2009 maari mong isauli ang iyong opisyal na balota sa loob ng karaniwang mga oras ng negosyo sa opisina ng Klerk ng Lunsod na matatagpuan sa 300 North Coast Highway, Oceanside. Lahat ng mga balota ay kailangang matanggap sa opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante o sa anumang lugar ng botohan sa Lunsod ng Oceanside ng hindi lalampas sa ika-8 ng gabi sa Araw ng Eleksyon, Disyembre 8, 2009.

Maari kang bumoto ng isang balotang pangkoreo sa pamamagitan ng (1) pagtawag sa Tagapagrehistro ng mga Botante at paghiling ng isang aplikasyon; (2) pagkumpleto ng isang kard ng aplikasyon sa likod ng iyong pamplet ng ihemplong balota; o (3) pagsulat sa iyong sariling hiling na nagbibilang sa iyong pangalan, nakarehistrong adres, pirma at adres kung saan ipapadala ang balota. Ang mga aplikasyon ay dapat ipadala sa San Diego County Registrar of Voters, 5201 Ruffin Road, Suite I, San Diego, 92123. Ang ifinax na aplikasyon ay maari ding tanggapin. Ang numero ng fax ay 858-694-2955.

Ang mga aplikasyon ng pagboto sa pamamagitan ng koreo ay dapat ibigay sa lalong madaling panahon, ngunit hindi lalampas sa ika-5 ng hapon sa Disyembre 1, 2009.

Ang pagboto sa loob ng opisina ay magsisimula sa opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante sa Lunes, Nobyembre 9, 2009, at magpapatuloy hanggang sa ika-8 ng gabi sa Araw ng Eleksiyon (Lunes hanggang Biyernes, ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon).

Para sa karagdagang impormasyon sa anuman sa mga usapin sa itaas, mangyaring tawagan ang Tagapagrehistro ng mga Botante sa 858-565-5800.