|
||||||||||||||||||||||||||||
|
||||||||||||||||||||||||||||
| INGLES / Tagapagrehistro ng mga Botante Espanol /Filipino / Tiếng Việt | ||||||||||||||||||||||||||||
|
||||||||||||||||||||||||||||
|
1. BAKIT BA MAGKAKAROON NG ISANG ELEKSIYON SA NOBYEMBRE 2, 2010 – ANO ANG NASA BALOTA? Ito ay isang regular na itinatakdang eleksiyon upang iboto ang Gobernador at iba pang mga opisyal ng konstitusyon, mga miyembro ng Lehislatura ng Estado ng California, at mga opisinang pederal ng Senado at Kapulungan ng mga Representante ng Estados Unidos. Ito ay mga opisinang may partido at mga kandidatong irepresenta ang mga partidong pampulitika ng California: Republikano, Demokratiko, Amerikanong Independiyente, Luntian, Libertaryan at Kapayapaan & Kalayaan. Kabilang dito, ang mga kandidato para sa maraming mga opisinang walang partido ay nasa balota. Ang mga ito ay nagbibilang ng: Mga Hukom ng Korte Suprema at Pag-apela; isang Hukom ng Korte Superyor; ang Lupon ng mga Superbisor ng County (Mga Distrito 4 & 5); ang Tagatasa/Tagapagtala/Klerk ng County at mga opisyal ng Lunsod para sa 18 na nakasamang mga lunsod sa buong County ng San Diego. Ang mga katungkulan sa balota ay magiging iba-iba para sa bawat lunsod. Ang ibang mga paligsahan sa balota ay nagbibilang ng mga namamahalang lupon para sa mga distrito ng paaralan at mga kolehiyo ng komunidad, mga distrito ng sunog, mga distrito ng ospital, mga distrito ng tubig, mga distrito ng serbisyo ng komunidad, mga distrito ng pampublikong utilidad at mga grupo ng pagpaplano. 2. SINO ANG MAKAKABOTO SA ELEKSIYONG ITO? Lahat ng mga nakarehistrong botante ng County ng San Diego ay karapat-dapat bumoto. Ang huling araw ng pagpaparehistrong bumoto para sa eleksiyong ito ay Lunes, Oktubre 18, 2010. Ang mga kard ng pagpaparehistro ay maaring makuha sa mga Opisina ng Koreo, Mga Opisina ng Departamento ng mga Sasakyang De-motor, Mga Pampublikong Aklatan, iba't-ibang mga opisina ng Klerk ng Lunsod, ang opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante sa 5201 Ruffin Road, Suite I, San Diego (lugar ng Kearny Mesa), CA 92123 O maari mong mahanap ang porma at impormasyon sa website ng Tagapagrehistro ng mga Botante sa www.sdvote.com (punuan ang porma - ilimbag ito, pirmahan ito at ipadala ito sa koreo). MAHALAGA: Kung ikaw ay lumipat mula noong ikaw ay huling nagparehistrong bumoto sa County ng San Diego o nais mong palitan ang iyong pangalan dapat kang muling magparehistro sa lalong madaling panahon. Ang huling araw ng pagpaparehistro/muling pagpaparehistrong bumoto sa Eleksiyon ng Nobyembre ay Oktubre 18, 2010. 3. SAAN MATATAGPUAN ANG MGA LUGAR NG BOTOHAN? Para sa eleksiyong ito, 1,466 mga presinto ng botohan ang matatagpuan sa loob ng buong County ng San Diego. Ang lugar ng iyong pagbobotohan ay makikita sa likod na takip ng iyong pamplet ng ihemplong balota. Maari mo ring malaman ang lugar ng iyong pagbobotohan sa pamamagitan ng pagtawag sa Tagapagrehistro ng mga Botante sa (858) 565-5800 o, pagkatapos ng Oktubre 1, maari mong bisitahin ang website sa www.sdvote.com (I-tsek ang iyong Kalagayan ng Pagpaparehistro ng Botante) at hanapin ang lugar ng iyong pagbobotohan. 4. KAILANGAN BA NG COUNTY ANG MGA MANGGAGAWA SA LUGAR NG BOTOHAN? OO! Ang Tagapagrehistro ay kumukuha ng mga manggagawa sa lugar ng botohan para sa Eleksiyon ng Nobyembre 2, 2010. Ang mga manggagawa sa lugar ng botohan ay kailangang mga nakarehistrong botante sa County ng San Diego at babayaran ng mula $75.00 hanggang $150.00 para sa Eleksiyon, depende sa kanilang takdang gagawin. Kung ikaw ay interesado sa pagiging isang manggagawa sa lugar ng botohan, mangyaring i-tsek ang website ng County ng San Diego, Tagapagrehistro ng mga Botante sa www.sdvote.com o tawagan ang aming opisina sa (858) 565-5800. May espesyal na pangangailangan para sa mga nagsasalita ng Espanyol, Filipino at Vietnamese na manggagawa sa lugar ng botohan. 5. PAANO KUNG NAIS MONG BUMOTO SUBALIT HINDI KA MAKAKARATING SA MGA LUGAR NG BOTOHAN SA ARAW NG ELEKSIYON? Maari kang bumoto ng balotang pangkoreo sa pamamagitan ng: a) Pagtawag sa Tagapagrehistro ng mga Botante at paghiling ng isang aplikasyon ng balotang "Bumoto sa Koreo"; b) Pagkumpleto sa kard ng aplikasyon sa likod ng iyong pamplet ng ihemplong balota; c) Pagsulat ng iyong pansariling paghiling na nagbibilang sa iyong buong pangalan, nakarehistrong adres (tirahan) sa County ng San Diego, pirma at adres kung saan ipapadala ang balota sa koreo. Ang mga aplikasyon ay kailangang ipadala sa San Diego County, Registrar of Voters, 5201 Ruffin Road, Suite I, San Diego CA 92123. Ang mga aplikasyon ng balotang pangkoreo ay kailangang ibigay sa lalong madaling panahon, subalit hindi tatagal sa Oktubre 26, 2010. Ang Tagapagrehistro ay magsisimulang magpadala ng mga balota sa koreo hindi bababa ng 29 mga araw (Oktubre 4, 2010) bago ang Araw ng Eleksiyon sa mga botanteng may patuloy na kalagayang "Bumoto sa Koreo" at para doon sa mga botanteng humiling na "Bumoto sa Koreo" para sa Nobyembre 2, 2010 na Pangkalahatang Eleksiyong Gubernatoryal lamang. Ang maagang, panloob-ng-opisinang pagboto ay magsisimula sa opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante sa Lunes, Oktubre 4, 2010, at magpapatuloy (Lunes hanggang Biyernes, ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon) hanggang sa Araw ng Eleksiyon. Kami ay magbubukas din para sa maagang pagboto sa Sabado (Oktubre 30, 2010) bago ang Araw ng Eleksiyon mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring tawagan ang Tagapagrehistro ng mga Botante sa (858) 565-5800. |
||||||||||||||||||||||||||||
|
||||||||||||||||||||||||||||