Your County Government Community
Services
Healthy
Kids & Families
Business
Resources
Environment Public Safety Jobs

Home
Mga Nakalipas na Eleksiyon
Tungkol sa Amin
Mga Impormasyon para sa mga Botante
Rehistro para Bumoto
Mga Ulat sa Kompyuter
Mga Mangagawa sa Lugar ng Botohan
Mga Lugar ng Botohan
Mga Mapa ng Distrito
Mga Distritong Hinahalal
Direktoryo ng mga Pampublikong Opisyal
Tawagan Kami
Pansamantalang Trabaho

Pagboto ng Absentee

Madaling Iprinta
Font Size Extra Large Font Size Large Font Size Default

Lahat ng mga nakarehistrong botante ay maaaring pumili na bumoto sa pamamagitan ng koreo na ginagamit ang balotang absentee. Ang balotang absentee ay maaaring hilingin nang kasing-aga ng 60 araw bago ang araw ng halalan ng HUNYO 5, 2012. Ang mga balotang absentee ay ipapakoreo simula sa 29 araw bago ang Araw ng Halalan. Gayunman, ang isang kahilingan para sa balota ng absentee ay dapat matanggap ng Opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante (RoV) nang hindi lalampas sa ika-5 ng hapon sa Mayo 29, 2012 (7 araw bago ang halalan).
Ang mga balotang absentee ay maaaring hilingin sa 3 paraan:

Opsiyon 1 - Ihanda ang nakasulat na kahilingan upang isama ang pangalan ng botante, adres ng tirahan, pangalan at petsa ng halalan na ang balota ay hinihiling, ang adres kung saan ang balota ay ipapakoreo, at ang pirma ng botante. Ang kahilingang ito ay maaaring ipakoreo, i-fax o dalhin sa RoV..

Opsiyon 2 - I-download ang porma ng aplikasyon, kumpletuhin, pirmahan at ibalik ito sa RoV.

Balotang Absentee sa PDF na Format
File Size: 51.6 KB

Opsiyon 3 - Ang porma ng aplikasyon ay matatagpuan din sa likod na pabalat ng bawat pamplet ng ihemplong balota para sa Pangkalahatang Halalan ng Hunyo 5. Ang pagpapakoreo ng mga pamplet na ito sa lahat ng mga nakarehistrong botante ay magsisimula sa unang linggo ng Mayo , 2012. Tanggalin ang kard at kumpletuhin, pirmahan at ibalik ito sa RoV.

Tandaan na mas maaga mong iharap ang iyong kahilingan mas maaga mong matatanggap ang iyong balotang absentee. Ang lahat ng mga binotohang balotang absentee ay dapat ibalik sa RoV bago sumapit ang ika-8 ng gabi sa Araw ng Halalan. Maaari mong dalhin ang iyong balotang absentee sa alinmang lugar ng botohan sa Araw ng Halalan.