Maging isang Manggagawa sa Botohan!
Bawat eleksiyon ang Tagapagrehistro ng mga Botante ay nangangailangan
ng mga manggagawa sa botohan upang tumulong na tumao sa mga
lugar ng botohan sa loob ng County ng San Diego. Ang mga manggagawa
ay binabayaran mula $75 hanggang $150 ayon sa kanilang takdang
gawain at karagdagang $15 para sa mga manggagawang bilingguwal
sa Filipino, Espanyol, o Vietnamese.
Mga Programa ng Manggagawa sa Botohan
Mga Batay na Organisasyon sa Komunidad Kung
ikaw ay kasali sa anumang mga klub o organisasyon, maari mong
ipaalam sa iyong mga miyembro na ang pagtatrabaho sa mga lugar
ng botohan ay maaring maging isang paraan ng pagtipon ng pondo,
at ang mga miyembro ng klub ay magbibigay sa kanilang mga
nalikom sa organisasyon..
Mga Negosyo sa San Diego Naghahanap ka ba
ng mga oportunidad na magboluntaryo na nakakapagbuo ng lokal
na ugnayan sa komunidad at nagbibigay ng makadahilang pagsaling
sibik? Ang pagiging isang manggagawa sa botohan ay isang magandang
pagkakataon para sa iyong mga empleado upang matuto tungkol
sa pagboboluntaryo at makakatulong na punuan ang isang pangangailangan
ng komunidad
Mataas na Paaralang na Programa ng Estudyanteng Manggagawa
sa Botohan Ang Kodigo sa mga Eleksiyon ng California
Seksiyon 12302 ay nagpapahintulot sa mga estudyante at aktibong
sumali sa pamamaraan ng eleksiyon, kahit sila ay hindi karapat-dapat
na bumoto. Inilunsad noong 1998 ang programang ito ay naging
isang malaking tagumpay. Ang mga estudyante ay nakakatanggap
ng isang katibayan para sa serbisyo sa komunidad at isang
kabayaran na ibinibigay ng diretso sa kanila o sa kanilang
paaralan, ayon sa alituntunin ng distrito.
Upang maging isang Estudyanteng Manggagawa ng Botohan, makipag-ugnayan
sa iyong guro ng gobyerno o opisyal ng paaralan at hilingin
na inomina. Upang maging karapat-dapat para sa programa ikaw
ay dapat: isang hindi bababa sa 16 taong gulang pagdating
ng Araw ng Eleksiyon, isang mamamayan ng US, at may isang
karaniwang puntong marka na hindi bababa ng 2.5 at mahusay
sa Ingles.
Pangkolehiyong Programa ng Estudyanteng Manggagawa
sa Botohan Tumanggap ng kabayaran, isang katibayan
ng serbisyo sa komunidad, at tumanggap ng karangalan ng serbisyo
sa komunidad sa iyong resume ng maaga sa iyong karera. Pag-isipang
magtrabaho sa lugar ng botohan para sa isang pagtipon ng pondo-ibigay
ang mga nalikom sa iyong klub o kawanggawa. Upang maging karapat-dapat
ikaw ay kailangang isang rehistradong botante dito sa County
ng San Diego. Ilimbag ang aplikasyon mula sa aming website
at isauli sa pamamagitan ng fax o koreo.
Empleadong Pang-county na Programa ng Manggagawa sa
Botohan Ikinararangal namin ang bilang ng mga empleado
ng county na nagboboluntaryong maglingkod sa Araw ng Eleksiyon.
Sa ilalim ng programang ito ang empleado ay makakatanggap
ng kanilang karaniwang suweldo para sa araw kabilang din ang
pagtanggap sa kabayaran ng manggagawa sa botohan. (Ang mga
Hindi Inuring Manedyer ay hindi tatanggap ng kabayaran.) Kailangan
mong kunin ang pag-apruba ng iyong superbisor upang sumali
sa programang ito. Ikaw ay kailangan din na maging isang rehistradong
botante.Mangyaring tawagan ang aming opisina para sa karagdagang impormasyon sa anuman sa mga programang ito sa 858-565-5800.
MAG-APLAY NGAYON!
Empleadong Pang-estado na Programa ng Manggagawa sa Botohan.
Bilang isang empleado ng Estado, Kodigo ng Pamahalaan 19844.7 ay nagpapahintulot na lumiban ka sa pagtratrabaho, ng walang kawalan sa suweldo, upang maglingkod bilang isang Manggagawa sa Botohan sa Araw ng Eleksiyon. Makakatanggap ka rin ng kabayaran ng manggagawa sa botohan na babayaran ng Tagapagrehistro ng mga Botante. Para sa mga detalye maaaring tumawag sa aming opisina. I-print ang aplikasyon mula sa aming website at isauli sa pamamagitan ng fax o koreo
Kailangan ng mga Lugar ng Botohan
Baka maari mo kaming paupahan ng isang lugar ng botohan? Ang
mga lugar ng botohan ay kailangan din sa loob ng county. Ang
kabayaran sa pagiging punong-abala ng isang lugar ay $50,
na may karagdagang $20 kung ang punong-abala ay magbibigay
ng mga mesa at mga silyang kailangan ng mga manggagawa sa
botohan. Mangyaring tawagan ang aming opisina sa 858-565-5800
para sa higit pang impormasyon.
|