PERMANENTENG BUMOBOTO SA KOREO
Ang maginhawang paraaan para bumoto, ang lahat ng mga botante ay may oportunidad na bumoto sa koreo ng permanente. Sa pag-sign up, ikaw ay awtomatikong makakatanggap ng balotang pangkoreo tuwing mayroon eleksiyon sa loob ng iyong presinto.
Para mag-sign up, mangyaring i-klik ang sumusunod na link Permanenteng Aplikasyon para sa Balotang Pangkoreo.
PAGBOTO SA KOREO-ISANG BESES NA PAGHILING
Kung nais mong bumoto sa koreo pero hindi mo nais na maging permanenteng bumoboto sa koreo, maaari kang magsumite ng aplikasyon espesipiko sa eleksiyon na gusto mong botohan. Ang kahilingan ay dapat matanggap ng aming opisina ng hindi lalampas ng 7 araw bago ang bawat eleksiyon.
Tala: Ang aplikasyon ay maaaring makita sa likod na takip ng iyong ihemplong balota at impormasyon ng pampleta ng botante na ipinakoreo sa iyo bago ang eleksiyon. Maaari ka ring gumawa ng isang sulat na nagkakaloob ng iyong pangalan na nakalimbag, adres ng tirahan, pangalan at petsa ng eleksiyon, adres pangkoreo, at IYONG PIRMA. . Maaari mong,
Ipadala sa: Registrar of Voters
P.O. Box 85520
San Diego, CA 92186-5520
I-fax sa: (858) 694-2955
PAGBOTO NG PERSONAL
Maaari ka ring pumunta sa aming opisina na matatagpuan sa 5201 Ruffin Road, San Diego, CA 92123 at bumoto.Ang pagboto ng personal at magsisimula ng 29 na araw bago ang bawat eleksiyon. Oras ng mga pagpapatakbo:
Lunes hanggang Biyernes ika-8 ng umaga hanggang ika-5 hapon
Sabado bago ang Araw ng Eleksiyon ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon
Araw ng Eleksiyon ika-7 ng umaga hanggang ika-8 ng gabi
MGA IMPORTANTENG HAKBANG SA PAGBOTO SA IYONG BALOTANG PANGKOREO
Ikaw ay padadalhan sa koreo ng pakete ng opisyal na balotang pangkoreo sa loob ng 29 na araw at sa ika-7 na araw bago ang eleksiyon. Ang iyong pakete ay maglalaman ng opisyal na balotang pangkoreo, mga instruksiyon sa pagboto, at opisyal na pagsauli ng sobre ng balotang pangkoreo
Hakbang 1 Markahan ang iyong mga pili sa iyong balotang pangkoreo na ipinagkaloob sa mga instruksiyon
Hakbang 2 Ilagay ang iyong nabotohang balota sa opisyal na sobre at isara ito.
Hakbang 3 Lagyan ng tamang selyo at PIRMAHAN ang labas ng isasauling sobre.
Tala: Kung hindi mo napirmahan ng iyong pangalan ang sobre, ang iyong balota ay hindi maibibilang. Ang iyong pirma ay dapat kapareho sa iyong pirma sa iyong porma ng rehistrasyon.
PAGSASAULI NG IYONG BALOTANG PANGKOREO
Dapat matanggap ng aming opisina ang iyong balotang pangkoreong hindi lalampas sa ika-8 ng gabi sa Araw ng Eleksiyon. Mayroon dalawang paraan para isauli ang iyong nabotohang balotang pangkoreo.
Sa Koreo: Maaari mong ipadala ang iyong nabotohang balota sa pamamagitan ng Opisina Postal ng Estados Unidos. Siguraduhin na lagyan ng tamang selyo ang sobre.
Ihulog: Maaari mong ihulog ang iyong nabotohang balota sa Opisina ng Tagapagrehisto ng mga Botante sa mga oras ng pagpapatakbo ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes.
Sa Araw ng Eleksiyon, maaari mo ring isauli ang iyong nabotohang balota sa anumang lugar ng botohan o sa Opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante mula ika-7 ng umaga hanggang ika-8 ng gabi.
Kung kailangan mo ng tulong sa wika ng Espanyol, Filipino, Vietnamese, o Chinese, mangyaring kontakin kami sa (858) 565-5800.
|